Dahil sa maraming request na i-extend namin ang pagiging Bagsik of the Week ni Polio Pascual ay amin itong pinagbigyan. Kaya sa linggong ito ay si Polio Pascual pa rin ang ating Bagsik of the Week. Narito po ang isa pa nyang larawan na kuha nung napanalunan nya ang kanyang Best Actor Trophy.
Pangalan: Polio Pascual
Edad: 26 (pero mukhang syang mas matanda, mukhang above 30 na)
Kasarian: Lalake (kahit ganito ang itsura nya ay lalaki po sya)
Dahilan ng pagiging bagsik: Kung tumindig ay lalaking lalaki, lalo na po sa porma. Walang makakatalo sa kanya pagdating sa pananamit, lahat ay bago, sya na lang po ang luma. Artistahin ang dating, malakas ang appeal, at higit sa lahat ay nasa kanya ang mahahalagang katangian ng Bagsik. Amin pong nasaksihan ang mga pangyayaring nagpapatunay na sya ay isang Bagsik. Isang po syang SANSUI, sang sutsot uwi, minsan nga lang ay hindi namin alam ang itatawag sa ginawa sa kanya. Isang daliri lang ang ginamit ng kanyang bossing (hintuturo) ay agad syang lumapit. Sya rin po ang tagabitz ng kanyang kanyang bossing. At tahimik sya pagkasama si boss, samantalang hindi naman sya ganun pag wala ang kanyang bossing. Mabuhay ka Polio Pascual, naway dumami pa ang lahi mo.
no one can beat u... isang patunay n isa kang tunay n Bagsik Polio Pascual.
ReplyDeleteCongrats!!! ☺