Welcome BAGSIK Readers!

Baligtad na nga talaga ang mundo ngaun! Maraming kalalakihan na ngayon ang takot sa kanilang asawa o girlfriend. Bakit kaya ganon? Sadyang Abusado na nga kaya ngayon ang mga babae? Hmmm... Mahal lang ba talaga ng lalaki ang mga babae? O talagang ***** lang ang mga lalaki ngayon? O di kaya ay miyembro sila ng "BAGSIK"?? Hmmm... Malalaman natin...

Kung ikaw ay isang lalaki at nakaka-relate ka sa mga istorya dito...Ay Malamang! Isa kang Certified BAGSIK!

Disclaimer: This blogsite is for fun only. This site is dedicated to those who are afraid to their wives and girlfriends. Any content of this website is written originally by the authors. :))

Friday, May 14, 2010

Birthday ng Bagsik

Ito ay inihahandog namin sa kasama naming Bagsik na si yenski (Chaiman Emeritus BAGSIK), dahil birthday nya ngayon ay halaw sa kanya ang istoryang ito.

Pano nagsisimula ang birthday ng isang Bagsik? Syempre pagkasiging nya ay masaya sya sapagkat kaarawan nya, bago maligo para pumasok ay pasipol-sipol pa sya sa loob ng bahay at nakangiti. Naghihintay syang batiin ng mga kasamahan nya sa bahay. Nang makitang gising na rin ang kanyang bossing at dagli nya itong nilapitan at binati ng magandang umaga, at dahil kaarawan nya at naghihintay sya na batiin ng magandang umaga at masayang kaarawan, ngunit pagkalipas ng limang minuto ay wala syang narinig na pagbati dito ay sya na mismo ang kusang nagsabi na kaarawan nya. Saka pa lang sya binati ng masayang kaarawan ng kanyang bossing. Dahil nga sa kaarawan nya ay lakas loob na sinabi nya sa kanyang bossing na sya muna ang magluto mamayang gabi at gawin itong espesyal. Muli ay naghintay ng kasagutan ang Bagsik, ngunit gaya ng dati ay wala syang narinig na sagot sa kanyang boss. Makalipas ang limang minuto ay nagsalita na ang boss na medyo gagabihin sya sa trabaho at hindi sya makakapagluto at sinabing ang kaibigan nating Bagsik ang sya na lang magluto. At dahil nga isang dakilang Bagsik ay walang nagawa ang ating kaibigan kundi ang sumagot ng "sige na nga, ako na lang ang magluluto mamaya. Agahan mo na lang ang pag-uwi ha dahil espesyal ang ating hapunan." Yan po ang nangyari mga kaibigan, kahit kaarawan ng isang Bagsik ay hindi to magiging dahilan para makaiwas sya sa mga trabaho at gawain ng isang Bagsik. Kahit kaarawan mo ay Bagsik ka pa rin.

2 comments:

  1. Chairman Emeritus,
    Maligayang Kaarawan!!!
    Isa ka ngang tunay na Bagsik. ☺

    ReplyDelete
  2. happy birthday yenski!:D

    ReplyDelete