Welcome BAGSIK Readers!

Baligtad na nga talaga ang mundo ngaun! Maraming kalalakihan na ngayon ang takot sa kanilang asawa o girlfriend. Bakit kaya ganon? Sadyang Abusado na nga kaya ngayon ang mga babae? Hmmm... Mahal lang ba talaga ng lalaki ang mga babae? O talagang ***** lang ang mga lalaki ngayon? O di kaya ay miyembro sila ng "BAGSIK"?? Hmmm... Malalaman natin...

Kung ikaw ay isang lalaki at nakaka-relate ka sa mga istorya dito...Ay Malamang! Isa kang Certified BAGSIK!

Disclaimer: This blogsite is for fun only. This site is dedicated to those who are afraid to their wives and girlfriends. Any content of this website is written originally by the authors. :))

Friday, May 7, 2010

Pano makipag-usap sa cellphone ang Bagsik?

Malalaman agad na Bagsik ang isang lalaki sa paraan ng kanyang pakikipag-usap sa cellphone sa kanyang bossing sa kanyang reaksyon pagkatapos makipag-usap.
Habang masaya kayong nagkwekwentuhan ay may tatawag sa Bagsik, agad nya itong sasagutin at lalayo sa pwesto nyo habang kinakausap ang kanyang bossing. Hindi nyo maririnig ang kanyang sinsasabi sa kadahilanang mahina o bumubulong lang sya para talagang hindi nyo marinig. Dahil ang totoo kung hindi inuutusan ay pinapagalitan sya ng kanyang bossing at ayaw nyang ipahalata ito sa inyo. Pero kitang-kita naman sa kanyang hitsura at galaw kung ano ang sinsabi sa kanya. Pagkatapos ng tawag ay buong pagmamalaking lalapit ito sa inyo at sasabihing pinagalitan nya ang kanyang bossing at kanya itong inutusan, pero ang katotohanan ay baligtad, sya ang pinagalitan o inutusan ang kanyang bossing.

5 comments:

  1. dahil sa mga sariling karanasan ng bagsik members, natutuwa ako at inilalahad nyo dito ang mga karanasang pwedeng maging inspirasyon ng mga taong katulad nyo. Lalo ka na Voodoo. hahaha!

    ReplyDelete
  2. Ang mga kwentong isinusulat ko ay halaw sa mga tunay na pangyayari, kadalasan ko itong nakikita sa mga kasama kong Bagsik

    ReplyDelete
  3. nakayuko pa habang nagsasalita! hahaha

    ReplyDelete
  4. Nakayuko pa habang nakikipag usap sa cellphone hahaha!

    ReplyDelete
  5. hahaha., ang bagsik naman nun... e kw kaya VooDoo kasing bagsik k din b nila??? ☺

    ReplyDelete