Anu-ano ba ang katangian ng isang BAGSIK? Mga katangian na madalas hinahanap ng mga kababaihan dahil alam nilang sila ang masususunod. Ito po ang mga natatanging katangian ng mga BAGSIK:
1. Magaling magluto - magaling magluto ang mga Bagsik, sila lagi ang naghahanda ng kakainin ng kanilang boss. Dahil kung dumating ang boss ng bahay at walang pagkaing naluto ay tyak na may gyera.
2. Maagang gumising lalo na kung weekend - maagang gumising ang mga BAGSIK, sila kasi ang nagluluto ng almusal at kung kinakailangan ay nag-iigib ng tubig. Mas maaga silang gumugising pag weekend dahil kailangan nilang mamalengke para sa buong linggo.
3. Matapang - matatapang ang mga BAGSIK, pinapakita nila na kaya nilang makipag-upakan kahit kanino. Matatapang ang mga BAGSIK dahil sila ang bodyguard ng kanilang bossing.
4. Malakas - madalas nag-eexercise ang mga BAGSIK, makikita mo sila sa gym o kaya tumatakbo sa mga park. At ang sikreto ng kanilang pagiging malakas ay ang pagbubuhat ng mga pinamalengke tuwing weekend (number 2) at ang pagbubuhat ng mga pinamili ng kanilang bossing. Minsan kung may lakad sya rin ang nagbubuhat ng mga bag (sa kanya sa kanyang boss).
5. Masipag - maliban sa pagluluto ay marami pang alam na gawaing bahay ang isang BAGSIK. Sya rin ang naglilinis ng bahay, naglalaba, at namamalantsa. Wala ng hahanapin pa ang isang babae pag nakatagpo ng isang BAGSIK. May BF ka na may maid ka pa.
6. Magalang - opo at po, ang mga magagalang na sagot na itinuro pa satin ng ating mga magulang. Madalas din itong gamitin ng mga BAGSIK pag kausap ang kanilang boss.
7. Masunurin - ang katangian ng mga BAGSIK na agad mong mapupuna at ang pinaka-importanteng katangian sa lahat, pag kasama ang boss makikita mo syang susunod-sunod lang, hindi sya pwedeng mauna. Ito rin ang pinaka-importante at dahilan upang maisagawa ang iba pa nyang katangian.
Welcome BAGSIK Readers!
Baligtad na nga talaga ang mundo ngaun! Maraming kalalakihan na ngayon ang takot sa kanilang asawa o girlfriend. Bakit kaya ganon? Sadyang Abusado na nga kaya ngayon ang mga babae? Hmmm... Mahal lang ba talaga ng lalaki ang mga babae? O talagang ***** lang ang mga lalaki ngayon? O di kaya ay miyembro sila ng "BAGSIK"?? Hmmm... Malalaman natin...
Kung ikaw ay isang lalaki at nakaka-relate ka sa mga istorya dito...Ay Malamang! Isa kang Certified BAGSIK!
Disclaimer: This blogsite is for fun only. This site is dedicated to those who are afraid to their wives and girlfriends. Any content of this website is written originally by the authors. :))
Kung ikaw ay isang lalaki at nakaka-relate ka sa mga istorya dito...Ay Malamang! Isa kang Certified BAGSIK!
Disclaimer: This blogsite is for fun only. This site is dedicated to those who are afraid to their wives and girlfriends. Any content of this website is written originally by the authors. :))
Thursday, May 6, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Madaling Araw kung gumising 2:00 AM para maglaba para maisapampay bago sumikat ang haring araw at para makapamalengke ng fresh foods para sa kanilang boss
ReplyDeleteTama ka dyan. madaling araw gumigising dahil magbubukas na ang lugawan.
ReplyDeleteKung dati ang mga kalalakihan ang pinagsisilbihan ng mga kababaihan ngayon naman???
ReplyDelete(Bilog ang Mundo)