Welcome BAGSIK Readers!

Baligtad na nga talaga ang mundo ngaun! Maraming kalalakihan na ngayon ang takot sa kanilang asawa o girlfriend. Bakit kaya ganon? Sadyang Abusado na nga kaya ngayon ang mga babae? Hmmm... Mahal lang ba talaga ng lalaki ang mga babae? O talagang ***** lang ang mga lalaki ngayon? O di kaya ay miyembro sila ng "BAGSIK"?? Hmmm... Malalaman natin...

Kung ikaw ay isang lalaki at nakaka-relate ka sa mga istorya dito...Ay Malamang! Isa kang Certified BAGSIK!

Disclaimer: This blogsite is for fun only. This site is dedicated to those who are afraid to their wives and girlfriends. Any content of this website is written originally by the authors. :))

Friday, May 7, 2010

Mga Diskarteng Bagsik

Ang mga diskarteng bagsik kadalasan ay palpak o sablay sapagkat nanonoot sa kanila ang takot pagdating sa kanilang bossing, kasintahan o asawa man. Madalas nagiging katawa-tawa ang kanilang diskarte dahil kapag narinig ito ng mga kontra bagsik.

Narito ang ilan sa mga kaganapan sa buhay ng bagsik:

1.) Ang tagpo, umiinom si Bagsik sa isang bar o bahay painuman, bigla ngayong tatawag si Mrs. o Kasintahan, sapagkat lumalalim na sa gabi ay hinde pa rin umuuwi ang isang Bagsik member.

Nagrring ang celphone......

Bagsik: Hello... Helloo.... (habang may tumutugtog sa background)

Mrs./Kasintahan: Nasaan ka? Hinde ka pa ba uuwi?

didiskarte ngayon ang bagsik nating kaibigan......

Bagsik: May tinatapos pa ako, nasa opisina pa ako (ngpapalusot na ang bagsik habang tumutugtog sa background ang napakalakas na musika ng Black Eyed Peas.... Booom boooom boooom.. booom booom booom.... boom boom pow)


O diba? palpak ang diskarte ng bagsik nating kaibigan, hinde siya lulusot dahil san ka nakakita ng opisinang may boom boom pow na background habang nag-ttrabaho ang mga empleyado? Ewan ko na lang kung anong aabutin mo paguwi mo sa bahay.. baka..

booom booom booom... booom booom boom.... (repeat)

No comments:

Post a Comment